FEU Tamaraws, may bago nang head coach sa UAAP Season 87

FEU Tamaraws, may bago nang head coach sa UAAP Season 87

ITINALAGA na bilang bagong head coach ng Far Eastern University (FEU) si Sean Chambers.

Papalitan ni Chambers si Denok Miranda, na nanguna sa koponan sa panahon ng UAAP Season 86 men’s basketball tournament.

Si chambers ay resident PBA import noon sa Alaska Aces sa loob ng labing dalawang taon at kasalukuyang coach ng TNT Tropang Giga.

Sa pamumuno ni Chambers, layunin ng FEU na magkaroon ng bagong simula at umaasang muling makabalik sa kanilang posisyon bilang isa sa mga nangungunang koponan sa liga.

Ang FEU ay ang may pinakamaraming panalo sa men’s basketball program sa UAAP na may 20 titulo.

Matatandaang huling nanalo ang FEU Tamaraws sa UAAP noong 2015.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter