Fifty Fifty, nais na ma-terminate ang kontrata sa management company

Fifty Fifty, nais na ma-terminate ang kontrata sa management company

NAIS ng K-pop girl group na Fifty Fifty na mai-terminate ang kontrata nila sa pagitan ng kanilang management company.

Ayon sa apat na members, kulang ang kompanya sa transparency hinggil sa financial settlements.

Pinipilit pa ang mga ito na magsagawa ng promotional activities sa kabila ng pagkakaroon ng hindi magandang estado ng kalusugan.

Sa panig ng management company nito na ATTRAKT, sinusubukan ng music producer nito na SIAHN na ilegal na gamitin ang Fifty Fifty.

Sinubukan na rin ng Warner Music Korea na lapitan ang grupo para labagin ang kanilang kontrata.

Samantala, sikat ang grupo sa kantang “Cupid”.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter