Fil-Am beauty queen ng Estados Unidos, nasungkit ang Miss Universe 2022 crown

Fil-Am beauty queen ng Estados Unidos, nasungkit ang Miss Universe 2022 crown

NASUNGKIT ni R’Bonney Gabriel ng Estados Unidos ang Miss Universe 2022 crown.

Sa buong kasaysayan ng Miss Universe, si Gabriel pa lang ang tanging Filipino-American na nanalo sa titulo.

Siya lang din ang Filipino-American na nanalo bilang Miss USA.

Si Amanda Dudamel ng Venezuela naman ang first runner-up habang si Andreina Martinez ng Dominican Republic ang second runner-up.

Sa panig ng Pilipinas, si Miss Universe PH representative Celeste Cortesi ay bigong nakapasok sa top 16.

Follow SMNI NEWS in Twitter