NAKUHA ni Pinoy-American basketball player Ethan Alvano ang MVP honors mula sa Korean Basketball League (KBL).
Siya pa lang ang kauna-unahang Asian import at non-Korean player na nabigyan ng naturang parangal.
Si Alvano ay naglaro para sa Wonju DB Promy ng 2023-24 regular season.
Maliban kay Alvano, si RJ Abarrientos din ang isa pang Pilipino na nakakuha ng parangal sa KBL nang ibigay sa kaniya ang Rookie of the Year Award noong nakaraang season.