PINURI ng ilang mga Filipino organization at church leader sa Malaysia ang naganap na ‘The Deep Probe Presidential Interview’ na inorganisa ng SMNI News, labis din ang paghanga at pasasalamat nila kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Matapos nilang mapanood ang ‘The Deep Probe Presidential Interview’ nitong Sabado Marso 26, naglabas ng kani-kanilang pahayag ang ilan sa kanila para ipaabot ang kanilang paghanga sa isinagawang interview sa mga kumakandidato sa pagkapangulo.
Ayon sa ilang Filipino organization sa Malaysia, tanging SMNI lang ang nakapagbigay ng patas at walang biased na pag-interview sa mga kandidato.
Anila, saludo sila sa inorganisang debate ng SMNI dahil mula sa mga respetado at mga iginagalang na mga panelista naipakita ng network ang patas at pantay na pagtatanong sa bawat presidentiables.
Para naman sa Filipina Evangelist Pastor ng isang church denomination sa Malaysia, sinabi nito na bukod sa pag-organisa ng SMNI debate, namangha rin siya sa lugar kung saan ginanap ang naturang forum.
Bukod pa rito, nagpaabot din ng mensahe ng paghanga at pasasalamat ang ilang mga Pilipino sa Malaysia kay Pastor Apollo na siyang naging inspirasyon ng lahat ng bumubuo ng network para matagumpay na maipalabas ang presidential interview.
‘’We would like to thank the Honorary Chairman of the SMNI Rev. Doctor Pastor Apollo C. Quiboloy, maraming salamat po sa inyo at sa Presidential Debates po na nangyayari sa ating bansa na sponsored ng SMNI. Mas kapani-paniwala po ito, mas credible. Sa amin po sa Malaysia iyon po ang pinapaniwalaan namin, lalo na sa mga Filipino community dito. At nagpapasalamat din po kami na meron na rin SMNI dito sa Malaysia, sana ipagpatuloy niyo ang coverage sa ating kapwa Pilipino,” ayon kay Leo Francisco, Chairman FIMA Sports and Welfare Society.
‘’Ang mga debate tulad ng inorganisa ng SMNI ay patunay lamang na hindi kinakailangan ng anumang pagtatalo at mga propaganda ng mga kandidato para maipakilala nila ang kani-kanilang mithiin sakaling maluklok sa puwesto sa ating pamahalaan,’’ saad nito.
Samantala, matapos i-anunsyo ni Pastor Apollo na magiging regular program na sa network ang programang ‘The Deep Probe’, mas lalong nabuhayan ng loob ang ilang sa ating mga kababayan upang mas lalo pang makilatis ang lahat ng kandidato susuportahan man nila ang mga ito o hindi.