Filipino workers sa Korea, binalaan kaugnay sa investment scams

Filipino workers sa Korea, binalaan kaugnay sa investment scams

BINALAAN ng Philippine Embassy ang lahat ng Filipino workers sa South Korea na mag-ingat sa naglipanang business at investments scams sa bansa na gumagamit ng pangalan ng organisasyon o tao upang magpanggap.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Embassy na maging maingat at mapanuri ang lahat ng mga Filipino workers sa mga negosyo at investments na nangangako ng easy money.

Kasabay rito, pinaaalalahanan din ng embahada na maging maingat ang mga ito sa pagbibigay ng kanilang mga impormasyon o iba pang importanteng dokumento.

Samantala, bukas naman ang Assistance-to-Nationals (ATN) section ng embahada para gabayan ang mga Pilipino na malaman ang mga legal na proseso hinggil sa iba’t ibang scam o panloloko sa South Korea.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter