Finland, isinara muli ang dalawang eastern borders sa pagitan ng Russia

Finland, isinara muli ang dalawang eastern borders sa pagitan ng Russia

NAPAGDESISYONAN muli ng Finland na isara ang kanilang borders sa buong silangang bahagi ng bansa.

Ito’y dahil sa pagpasok ng mga migrante sa dalawang crossing points nito sa pagitan ng Russia na temporaryong binuksan noong Huwebes.

Ipinaliwanag ni Finland Interior Minister Mari Rantanen na ang muling pagbubukas ng dalawang crossing points ay isang trial kung nananatili pa rin bang nakaabang ang mga migrante na makapasok mula sa Russia.

Subalit dahil ilang dosenang migrante ang dumating ay napagdesisyonan ng Finland na isara muli ang crossing points na magtatagal hanggang Enero 14.

Halos 1-K migrante na walang sapat na mga visas at valid documentation ang dumating sa Finland simula Agosto hanggang Nobyembre.

Madalas na nagmumula ito sa Syria, Somalia, at Yemen.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble