Fire incidents sa unang 2 buwan ng 2024, mas mataas kumpara noong 2023

Fire incidents sa unang 2 buwan ng 2024, mas mataas kumpara noong 2023

BAHAGYANG tumaas ang fire incidents sa bansa ngayong 2024 kumpara sa nakaraang taon.

Sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 2,742 na ang kanilang naitalang fire incidents sa loob lang ng dalawang buwan.

Noong 2023 ay nasa 2,224 lang ang naitala.

Mas marami rin ang death toll ngayong taon dahil ayon sa BFP, nasa 55 na ang nasawi kumpara sa 39 noong 2023.

Nasa P1.23-B na rin ang halaga ng property damage kumpara sa P1.11-B na naitala noong nakaraang taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble