First Lady Liza Marcos, ginawaran ng titulong ‘Chief Girl Scout’

First Lady Liza Marcos, ginawaran ng titulong ‘Chief Girl Scout’

GINAWARAN si First Lady Liza Araneta-Marcos ng titulong ‘Chief Girl Scout’ ng Girl Scout of the Philippines (GSP).

Sa kanyang talumpati sa Investiture Ceremony sa Palasyo ng Malacañang, sinabi ng First Lady na ang pagtalaga sa kanya bilang ‘Chief Girl Scout of the Philippines’ ay isang titulo na tunay niyang ipagmamalaki.

Inalala ng First Lady na sa kanyang karanasan bilang girl scout, naturuan din siyang tumulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno para makatulong sa kapaligiran.

Ipinangako naman ni Atty. Marcos na tutulong siyang hubugin ang mental, emosyonal, at panlipunang katangian ng mga kabataang babae.

Bukod dito, nagpahayag din ang Unang Ginang ng kanyang commitment na mag-ambag para sa nation-building.

Samantala, kinilala ng Unang Ginang ang GSP sa walang sawang pagsasakatuparan ng misyon nito na ihanda ang mga kabataang babae para sa kanilang mga responsibilidad sa tahanan, sa bansa, at sa world community.

Follow SMNI NEWS in Twitter