Flagship infra projects sa 2024, walang pondo—Sen. Imee Marcos

Flagship infra projects sa 2024, walang pondo—Sen. Imee Marcos

WALANG pondong inilaan ngayong 2024 para sa flagship infrastructure projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon ito kay Sen. Imee Marcos sa panayam ng SMNI News.

P300-M lang din aniya ang pondo para sa “right of way” ng mga road project ngunit ang utang naman dito ay nagkakahalaga ng P66-B.

Papaano ani Sen. Imee magagawa ang mga proyekto kung hindi mababayaran ang mga utang hinggil sa right of way.

Maliban pa rito, dahil halos wala ring pondong inilaan sa maintenance, mas lalo pa aniyang makararanas ng trapik ang publiko sa mga pangunahing kalsada.

Ayon kay Sen. Imee, ikinahihiya niya ang sitwasyon dahil mistulang inaasahan ng publiko na pagka-Marcos ay tutok sa infra projects gaya ng kanilang amang si Dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Subalit iba naman ang nangyayari sa kasalukuyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble