Sen. Imee Marcos, gagawin ang lahat para manatili ang Uniteam

Sen. Imee Marcos, gagawin ang lahat para manatili ang Uniteam

SISIKAPIN ni Sen. Imee Marcos na mananatili ang “Uniteam” na binubuo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ng mambabatas sa gitna ng isyung kinakaharap nina Pangulong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasalukuyan partikular na sa usaping may kaugnayan sa ilegal na droga.

Aniya pa, isa sya sa humikayat kay VP Sara na nooy mayor pa ng Davao City na tumakbo bilang running-mate ng kaniyang kapatid noong 2022 presidential elections.

Siya rin aniya ang gumawa ng terminong “Uniteam”.

Sa katunayan, nang dumalo ito sa prayer rally na inorganisa sa Davao City, sinabi ng senadora na pakay niya ang kausapin ang mga Duterte at si VP Sara para ayusin ang ilang mga bagay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble