Focus crimes, bumaba ng 18% sa huling bahagi ng taon—PNP

Focus crimes, bumaba ng 18% sa huling bahagi ng taon—PNP

BUMABA ng 18.21 porsiyento ang focus crimes sa bansa.

Batay ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 19, 2023.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo, 10,268 insidente ang iniulat sa loob ng naturang panahon.

Mababa ito ng 2,286 insidente sa 12,554  insidente na naitala sa parehong panahon noong 2022.

Habang sa datos mula Enero 1 hanggang Disyembre 19, 37,089 insidente ng focus crimes ang naitala na mas mababa ng 8.22 porsiyento sa 40,411 insidente sa parehong panahon noong 2022.

Ang 8 focus crime ay kinabibilangan ng murder, homicide, physical injury, rape, theft, robbery, car theft at motorcycle theft.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter