Food packs, naka pre-positioned na sa landslide prone areas matapos ang lindol kahapon – DSWD

Food packs, naka pre-positioned na sa landslide prone areas matapos ang lindol kahapon – DSWD

TINIYAK ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na naka pre-positioned na sa lahat ng landslide prone areas ang food packs ng pamahalaan matapos ang pagtama ng 7.0 magnitude na lindol sa bansa kahapon.

Tiniyak ito ni Tulfo sa press briefing sa Abra kasama si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ilang miyembro ng Gabinete.

Iniulat din nito na nasa higit 4,900 na ang naitala nilang apektadong pamilya dahil sa pagyanig.

Sa nabanggit na bilang, nasa 2,300 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers habang nasa 349 na kabahayan naman ang nasira.

Agad namang iniutos ni Pangulong Marcos ang pagdeploy ng water purifiers para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa mga biktima ng lindol.

‘We should procure more of those. Immediately, water’s always going to be a problem, para things like cholera, diphtheria won’t come into play,’ saad ng Pangulo.


Follow SMNI NEWS in Twitter