Food processing at Pambansang Pabahay Program, natalakay sa pulong ni PBBM at business leaders sa Cambodia

Food processing at Pambansang Pabahay Program, natalakay sa pulong ni PBBM at business leaders sa Cambodia

PINAG-usapan sa pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama ang business leaders sa Cambodia ang patungkol sa food processing at pagpapalawig ng murang pabahay sa programang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino.

Natalakay ito sa unang araw ni Pangulong Marcos sa Cambodia kasama ang mga negosyante ng nasabing bansa sa isang roundtable meeting.

Kasama rin sa naging diskusyon ang plano ng administrasyon sa digitalization ng mga proseso ng gobyerno maging ang pagtaguyod ng pamahalaang Pilipinas sa sektor ng pagawaan ng mga damit.

Kabilang sa delegasyon ng Cambodia ang mga Executive mula sa Pathmazing, Bluebell Cambodia, WorldBridge Group, ACLEDA Bank, Khmer Enterprise, at Mong Reththy Group.

Kasabay nito, inanyayahan at hinikayat ni Pangulong Marcos ang business leaders sa Cambodia na mamuhunan sa Pilipinas.

 

Follow SMNI News on Twitter