Football head coach Alen Stajcic, nais maging number 1 sport sa Pilipinas ang football

Football head coach Alen Stajcic, nais maging number 1 sport sa Pilipinas ang football

UMAASA si Filipinas football head coach Alen Stajcic na marami pa ang mga Pilipinong magkakagusto at maeengganyo sa larong football.

Ayon kay Stajcic, nais niya na maging number one sport ang football sa bansa gaya sa ibang bansa.

Kasunod ito sa pinakaunang international win ng women football team ng Pilipinas.

Hulyo 17 nang isinagawa sa Rizal Memorial Football Stadium ang 2022 AFF Women’s Championship at ito nga at naipanalo ng Pilipinas ang laban nito kontra Thailand.

Ang Pilipinas ang nakapag-uwi ng trophy mula sa naturang championship.

Samantala, umaasa naman ang football head coach na maipanalo rin nila ang Pilipinas sa Asian at World Cup sa susunod na taon.

Si Alen Stajcic ay isang Australian soccer player at naging New South Wales (NSW) Premier league player at Australian youth representative.

Follow SMNI NEWS in Twitter