GANAP nang batas ang Republic Act No. 112023 o ang pagpapatupad ng 12% Value-Added Tax (VAT) sa foreign digital services na ibinibigay ng resident at non-resident digital service providers.
Ito’y kahit wala silang pisikal na presensiya sa Pilipinas.
Kasunod ito sa paglagda ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa naturang batas.
Halimbawa rito ang overseas-based e-commerce firms at streaming platforms gaya ng Netflix, HBO, Disney, Shein, Temu at Amazon.
Sa panig ng Department of Finance (DOF), inaasahang makakapag-generate ito ng P83.8-B mula 2024 hanggang 2028.
Ang 5% mula sa naturang halaga ay gagamitin sa development ng local creative industries.
Samantala, maliban sa Pilipinas ay may ganitong uri din ng batas ang Singapore, Indonesia, Malaysia, at Thailand.