Foreign Muslim pilgrims ngayong taon sa Saudi Arabia, inaasahang mas marami kumpara noong 2023

Foreign Muslim pilgrims ngayong taon sa Saudi Arabia, inaasahang mas marami kumpara noong 2023

MAHIGIT 1.5 milyon na ang foreign Muslim pilgrims na dumating sa Saudi Arabia hanggang nitong Martes, Hunyo 11, 2024.

Kasama na rito ang nasa 4.2-K na mga Palestinian mula sa West Bank.

Ayon sa mga opisyal sa Saudi, inaasahan nilang mas mahigit pa sa 1.8 milyon na mga pilgrim noong 2023 ang darating sa kanilang bansa para sa Hajj ngayong taon.

Kung ikukumpara sa mahigit 2.4 milyon na nagtungo na mga Muslim mula sa iba’t ibang bansa noong taong 2019, makikitang malapit na ito sa pre-pandemic levels.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble