Foreign tourists sa Malaysia, pahihintulutan na sa endemic phase

Foreign tourists sa Malaysia, pahihintulutan na sa endemic phase

PAHIHINTULUTAN na sa endemic phase ang mga Foreign tourists sa Malaysia.

Maaari nang papasukin ang mga turistang dayuhan sa bansang Malaysia sakaling umusad na ang bansa sa endemic phase.

Inanunsyo ng Ministry of Home Affairs na maaari lamang mabuksan ang border ng bansa para sa mga Foreign tourists sa Malaysia sakaling umusad na ang buong bansa sa endemic phase.

Ayon kay Home Minister Hamzah Zainuddin, sa ngayon ang Malaysia ay kasalukuyan pang nasa pandemic phase at maililipat lamang ito sa tinatawag na endemic sakaling mapagdesisyunan ito ng gobyerno partikular ng Ministry of Health.

Sinabi ni Zainuddin na nakahanda na ang immigration department at General Operations Force (GOF) sa muling pagbubukas ng border ng bansa.

Sinabi niya na ang pahintulot para sa mga mamamayan o dayuhan na tumawid sa mga hangganan ng bansa ay sasailalim din sa mga SOP na pagdedesisyunan sa lalong madaling panahon.

Idinagdag niya na ang lahat ng mga asset ng Malaysian border control order o AKSEM ay kukunin at pamamahalaan ng GOF, habang ang lahat ng 909 na mga opisyal at tauhan nito ay ibabalik sa kani-kanilang ahensya.

Samantala, ang AKSEM, na itinatag noong Disyembre 29 taong 2017 ay nasasangkot ng limang ahensya, kabilang ang Pulisya, ang Departamento ng Imigrasyon, Royal Malaysian Customs, National Anti-drugs Agency at National Kenaf at Tobacco board.

SMNI NEWS