KABILANG sa mga prayoridad ni former NCIP Chief Allen Capuyan sakaling palarin sa Senado ay magkaroon ng batas para sa people’s agenda, national security, whole of government at nation approach.
“Ang unang priority program na nakikita ko ay magkaroon tayo ng mga batas na isinulong ang people’s agenda.
Kung ano ang sectoral agenda ng bawat sektor ng society, lalung-lalo na ang marginalized sector o ang nasa laylayan ay ating protektahan at ito’y isulong. Pangalawa, meron tayong tinatawag na National Security Interest, National Security Strategy, at saka National Security Plan.
Dapat ‘yung mga batas na ilalabas natin ay kinu-consider ano ang implikasyon nito sa seguridad ng ating bayan? Ibig sabihin protektado ang ating bansa, protektado ang mamamayan, at nagkakaisa ang alituntunin ng isang inilabas natin na batas.
Ang pangatlo ay isabatas natin ang tinatawag natin na whole of government, whole of nation approach,” ayon kay Allen Capuyan,Senatorial Aspirant.
Follow SMNI News on Rumble