FPRRD, hindi makadadalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw

FPRRD, hindi makadadalo sa pagdinig ng Kamara ngayong araw

HINDI dadalo si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa itinakdang hearing ng Kamara ngayong Oktubre 22, 2024 hinggil sa umano’y extra-judicial killings sa ilalim ng administrayon nito.

Sa ngalan ni FPRRD, batay sa sulat ni Atty. Martin Delgra III kay Robert Ace Barbers ng House Committee on Dangerous Drugs, ‘not feeling well’ sa kasalukuyan ang dating pangulo.

Ito’y dahil kakauwi lang ni FPRRD sa Davao City mula Manila noong Oktubre 17 at dahil sa edad nito ay nangangailangan na ng maayos na pahinga.

Maiksing panahon lang din aniya ang ibinigay sa dating pangulo batay sa release ng imbitasyon noong Oktubre 18 na natanggap naman ng kanilang kampo nitong Oktubre 20 lang.

Kung mamarapatin ayon sa sulat ay magandang ilipat na lang ang schedule ng hearing at sana’y itakda ito pagkatapos ng Nobyembre 1.

Samantala, si Atty. Delgra ay dati nang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng administrasyon ni FPRRD.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble