HINDI sang-ayon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa panawagan ng isang senador na pauwiin na ang ambassador ng Pilipinas sa China.
Matatandaan na hinikayat ni Sen. Francis Tolentino ang gobyerno na pabalikin sa Pilipinas ang ambassador natin sa China bilang protesta sa mga aksiyon ng Beijing sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Bukod kay Sen. Tolentino, na chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, isa rin si Sen. Jinggoy Estrada sa nanawagan na pauwiin na ang ambassador ng Pilipinas sa China.
Ngunit ayon kay Duterte, ang mungkahi na ito ay walang magandang maidudulot sa bansa.
“The suggestion of the recall of an ambassador is too abrupt and too harsh, that’s the right word. Abrupt and too harsh, and it would do no good,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon pa kay dating Pangulong Duterte, mas mainam na pairalin ang diplomasya sa dalawang panig sa pamamagitan ng pag-uusap ukol sa isyu sa WPS.
“In the end, pagkatapos nito mag-usap pa rin eh, so, better to just initiate a diplomatic dito sa baba. Na to start initiatives of a, and look for ways of finding the right contact, the right people to talk, na para mapag-usapan at maayos ‘to,” dagdag ni FPRRD.
Sinabi ito ni Duterte matapos siyang tanungin ni Pastor Apollo C. Quiboloy, kung ano ang masasabi niya sa tila hindi diplomatikong approach ng ating bansa sa China dahil sa pinag-aagawang teritoryo.
“Mayor just recently, siguro kahapon ‘yun o ngayon, there is an APEC Summit in San Francisco, USA. In six years, it was the first time Xi Jinpin, the President of China, went and attended the APEC Summit meeting, and he was really royally welcomed in San Francisco by the American government, I mean, it was a royal welcome. So, dito naman sa atin, the hawkish side of those leaders who are into the West Philippine Sea issue, it seems to me that there is a non-diplomatic approach to China and recently there was a high level of condemnation of the latest harassment by the Chinese Coast Guard when our Philippine vessels has to resupply mission at the BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Matatandaan na sa kabila ng kumpetisyon sa pagitan ng dalawang superpower na bansa, ay pinapanatili pa rin nila ang diplomatikong pag-uusap, sa katunayan, maraming beses nang nagpadala ng mga matataas na government official ang Estados Unidos sa China.
Nagpadala rin ang Estados Unidos ng malaking delegasyon sa katatapos lamang na 6th International Internal Import Expo (CIIE), dahil nais nitong magkaroon ng malapit na kooperasyon sa Beijing.
At ngayon naman, ang kinaabangang pagkikita ni U.S. Pres. Joe Biden and Chinese President Xi Jinping sa San Francisco para sa APEC Summit.
Diplomatic approach ng Pilipinas at U.S. sa China, ikinumpara nina FPRRD at Pastor ACQ
Samantala, naikumpara din ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang tila hindi maka-diplomatikong approach ng Pilipinas sa Estados Unidos na kasalukuyang host-country ng APEC Summit kung saan malugod na winelcome si Chinese Persident Xi Jinping ng America.
“Tingnan natin parang kalaban talaga ang China, dinamay pa tayo. But Xi Jinping was there and he was royally welcomed. And they are even talking about a military I think it’s not an alliance but a military joint exercise with the military of the USA and the military of China,” pahayag ni Pastor Apollo.
Para naman kay FPRRD, napakalaking bagay ang mainit na pagtanggap ng U.S. kay Xi dahil maari nitong mapahupa ang banta ng giyera pati na rin ang tensiyon sa WPS.
“Dito naman sa, the royalty reception, received by Xi Jinping of China, sa America is very significant. Very significant, means to say that China and America are now within the ambit of a diplomatic and maybe closer ties of the two countries. At ‘pag nabuo ito Pastor, malaking bagay ito para sa ating mundo,” saad ni FPRRD.
“So maybe we can say that we can escape the catastrophe of a nuclear war and Xi Jinping by, nagpapababa siya, siya ang pumunta doon makipagkaibigan. So tama naman ‘yung halos binigyan nila ng almost a royal treatment kasi hindi basta-basta na pupunta lang,” ani FPRRD.
”So, I’m sure Xi Jinping gusto rin na, sige ako na lang punta para pag-usapan natin ito, para matapos na ‘yung alitan natin,” ayon pa sa dating Pangulo.
“Now on this side mapag-usapan natin ito, vis-a-vis itong powers makakaasa ba tayo sa America, itong West Philippine Sea, ang America hindi papasok dyan,” ayon kay Pastor Apollo.
“I’m sure he will not,” pahayag ni FPRRD.
Mariin din na sinabi ng dating Pangulo na pag-uusap at hindi giyera ang solusyon sa problema.
Samantala, ipinunto naman ng butihing Pastor ang katotohanan na hindi maaaring putulin ng Estados Unidos ang ugnayan nito sa China, at ang pagpapadala ng U.S. ng mga matataas na senior government officials nito sa China upang panatilihin ang kooperasyon at diplomasya, bagay na salungat sa ginagawa ngayon ng ilang mga government official sa Pilipinas.
“More likely Mayor kasi on the Zelensky-Russia war, America is not dependent on Russia for some of their production that they are dependent upon China for semiconductor, many many things Mayor, dependent ang America sa ngayon, that’s why they cannot decouple from China because marami silang kinukuha sa China na wala sa kanila. They are dependent on that, that’s why kung ang China maging belligerent sa kanila, nakita mo pinapadala ‘yung mga tulad ‘yung kanilang treasury department secretary to make friends with China. Tayo naman dito para tayong more Popist than the pope,” diin ni Pastor Apollo.
“Kaya nga I’m always maybe these guys are thinking that if we initiate in any violent reaction or action, there, that big Sam, America would come to our supper. America would say, alam mo Padre, boundary lang ‘yan, tubig na ‘yan, ‘wag mo na akong guluhin dyan. Kasi ang China, is almost like a friends to everybody because they are manufacturing all sorts of things, kung anong gusto mo gagawin nila,” tugon ni Duterte.
Matatandaan na pangatlo ang China sa pinakamalaking trading partner ng Estados Unidos, at para sa Pilipinas, ang China ang pinakamalaking trading partner nito.