NAKIPAGKITA ngayong araw, Agosto 2 si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang.
Sa Facebook post ni Senator Bong Go na former Special Assistant to the President (SAP) ni Tatay Digong, makikitang nakipagkita rin si Secretary Anton Lagdameo na kasalukuyang SAP ni Pangulong Marcos.
Naroon din ang dating Executive Secretary Salvador Medialdea, at ang kasalukuyang ES na si Atty. Lucas Bersamin.