FPRRD, namangha sa laki at ganda ng KJC King Dome; Pastor ACQ ipinasyal ang Dating Pangulo

FPRRD, namangha sa laki at ganda ng KJC King Dome; Pastor ACQ ipinasyal ang Dating Pangulo

ILANG oras bago magsimula sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa sa SMNI nitong Lunes, nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 75,000-seating capacity na King Dome ng the Kingdom of Jesus Christ, na halos matatapos na ang konstruksiyon.

Mismong si Pastor Apollo C. Quiboloy ang nanguna sa pagtanggap sa dating Pangulo at ipinasyal ito sa loob ng King Dome.

Makikita sa loob na halos tapos na ang pagsasaayos nito— kumpleto na ang mga makukulay na upuan na nakaayos na walong silahis ng araw mula sa malayuan.

Kapansin-pansin na wala itong mga poste sa gitna kaya naman tanaw ang nakakalulang lawak ng King Dome sa loob.

Makikita naman sa mga mata ng dating Pangulo ang pagkamangha sa mega-project na ito ng butihing Pastor kasama ang buong KOJC.

Nang tanungin sa kaniyang programa ang dating Pangulo sa naging pagbisita, ito ang kaniyang naging tugon:

“You know I have not seen that kind of [place], even ang environment na ‘yan elsewhere. Sa pagka ngayon ang tingin ko, it’s a colossal thing for me at least for Philippine standard and it’s a beautiful. Ano si Pastor ‘pag he goes into that kind of you know, gusto niya talaga maganda. Kita mo hindi pa nga natapos oh, kalaki at saka kaganda ng…” ayon kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

KJC King Dome, world-class at walang katulad ang ganda ayon kay FPRRD

Dagdag pa ng dating Pangulo, basta ang butihing Pastor ang nasa likod ng proyekto, tiyak na ito’y maganda at “the best” at “world-class”.

“Napaupo ako na hindi ko malaman kung ano ang sabihin ko. Pasensya na kayo kasi hindi pa functioning ‘yung aircon, ‘yun muna sa likod ang sige paypay, nagpalamig sa amin, salamat po. Maganda, I am sure that you know it’s gonna be the best whatever it call it a coliseum or, maganda ito alam ko pagka si Pastor, maganda talaga ito,” dagdag pa ni Dating Pangulong Duterte.

Proud na proud din ang dating Pangulo sa naitayong King Dome ni Pastor Apollo lalo na’t ito’y matatagpuan sa Davao.

Ako kung payagan mo Pastor, lahat kayong mga taga-Davao, tingnan ninyo. ‘Yan hindi pa natapos ‘yan, what more ika nga kung tapos na ‘yan. Napakaganda talaga sa loob. Wala akong nakitang ganyan maski sa Manila sa totoo lang. World class ang, if there is somebody na sana na magsalita dyan, sana ako. Just to praise God, Pastor for the industry and the Kingdom. ‘Yun lang naman ang ano natin eh, hindi naman tayo pwedeng magyabang na bigay lahat ‘yan sa Diyos,” pahayag pa ni FPRRD.

“Itong kay Pastor ‘yung toil niya ang mag-enjoy nito, ‘yung Kingdom at ang mga taga-Davao. Naku, sabihin ko sa inyo ‘pag nakita ninyo ang loob, ngayon pa lang matulala kayo. Wala kayong makita na ganito sa Maynila, anywhere magpusta ako, totoo ‘yan. Napakaganda,” diin ng Dating Pangulo.

Ayon naman sa butihing Pastor, imbitado lahat ng kanilang kaibigan hindi lang mula sa Davao City kundi maging sa buong Pilipinas.

“Mayor, when it is fully completed, you will invite all our friends in Davao City and all over the Philippines, for the inauguration, when it is fully completed,” ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Inaasahan na sa susunod na taon ay isasagawa na ang inagurasyon ng KJC King Dome.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter