OBLIGADO na ang lahat ng mga empleyado ng pamahalaan na gumamit ng Philippine Tropical Fabrics (PTF) sa lahat ng kanilang mga uniporme.
Ang PTF ay naglalaman ng mga likas na textile fiber mula sa mga dahon ng pinya, abaka, saging, at Philippine silk na hinabi, sinulsi o tinahi dito sa bansa.
Ayon sa Civil Service Commission (CSC), ang kautusan ay bilang pagtalima sa Republic Act 9242.
Layon ng bagong batas na i-promote ang pagiging makabayan sa lahat ng empleyado ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme na gawa sa locally manufactured textile.
Kabilang din sa mga obligadong magsuot ng PTF uniforms ay ang mga kawani ng LGU, GOCCs na may original charter at public universities and colleges.
September 1, 2023 ang effectivity ng kautusan na ito ng CSC.
