NANINDIGAN si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi puwedeng ipawalang-bisa ang batas kaugnay sa pagtalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng gobernador sa Maguindanao del Norte.
“Both of them are operating as acting governor. In fact both of them are meeting their staff. Talagang nag-ooperate sila as governor – nagkakaroon ng mga memorandum, address to the employees. Pareho silang nag-ooperate, ang problema lang nga nag-ooperate sila pero walang lumalabas na pera but they are functioning. Both of them are sitting as acting governors. ‘Yung isa, by virtue of the appointment by the President and ‘yung isa naman by virtue of the law,” pahayag ni Atty. Salvador ‘Sal’ Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel |SMNI Anchor.
‘Stalemate’. Yan ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasalukuyang sitwasyon sa Maguindanao del Norte. Hati ang sambayanan ng nasabing lugar kay acting Governor Bai Ainee Sinsuat at kay OIC Gov. Abdulraof Macacua na siyang itinalaga ni Pangulong ‘Marcos noong buwan ng Abril.
Sa programang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ sa SMNI nitong Huwebes ni dating Pangulong Duterte kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy na hindi maaaring ipawalang-bisa ang batas sa pamamagitan ng isang presidential appointment. Ang pahayag ni Duterte ay kaugnay sa Republic Act 11550 na nagsasabing kung sinuman ang manalo sa nagdaang halalan sa Maguindanao Local Elections bilang bise-gobernador ang siyang pansamantalang magiging acting governor ng Maguindanao del Norte.
Ani Duterte, ‘void ab initio‘ ang pagtalaga ni Pangulong Marcos kay OIC Governor Macacua. Ibig sabihin, ito’y matuturing na walang bisa sa simula pa lang.
“Attorney Sal, I would direct the statement to the President. You know Mr. President, I do not mean to, I do not have the slightest intention to give you the advice. Get it from your lawyers. I do not have the reason to lecture on you because you are the President of the Philippines and the President is always right. That is a presumption para walang gulo. Now, if you do not want to follow the President, disagree with the President, you can file the necessary whatever action, pleading or suit in the courts starting from the lower courts up to the Supreme Court.”
“Now between the presidential appointment and a law, the law will always prevail.”
“Eh’ batas ‘yan adre. How can you overcome a batas by a presidential appointment? You know that, maski first year student ng law will tell you that the law should prevail.”
“So, ngayon, tanungin mo ako who’s the better right para sa akin ‘yung mga tao that were mentioned in the law because a presidential appointment cannot certainly overrule a law.”
“They have I think the higher legal, moral ground,” paliwanag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Nakasulat na sa batas kung sino ang pansamantalang mamumuno sa paglikha ng Maguindanao del Norte
Giit din ni dating Pangulong Duterte, bago pa nahati sa dalawang probinsiya ang Maguindanao, may probisyon na nakasulat sa batas. Ito ay nagsasabi kung sino ang mga pansamantalang mamumuno sa paglikha ng Maguindanao del Norte. Dahil dito, hindi na kinakailangan magtalaga ng gobernador ang Pangulo.
Mayroon mang mga espesyal na kaso kung saan may prebilehiyo ang Pangulo na makapagdesisyong mag-isa ngunit hindi kasama rito ang pagtatalaga ng gobernador sa nasabing lugar.
Atty. Panelo, ipinanawagan ang pagbaba sa puwesto ni Macacua; FPRRD, sumang-ayon
Matatandaan na nagbigay ng payo si Atty. Salvador Panelo kamakailan na sana boluntaryo na lang aniyang bumaba sa posisyon si OIC Gov. Macacua na siya ring sinang-ayunan ni dating Pangulong Duterte.
“Ginoong Pangulo, kaya ko tinatanong ‘yan sapagkat I’m thinking na hindi na kailangan silang pumunta sa hukuman sapagkat narinig ko po si Ginoong Macacua sa video, video ha publicly nagsasalita siya at kinikwento niya kung papaano siya na-appoint at sinasabi niya na sa totoo lang, ayaw niya nga. Katunayan, sinabi niya raw kay Sec. Anton at kay Sec. Galvez na kung ia-appoint niyo ako, siguraduhin niyo lang na wala tayong nilalabag na batas. Kaya noong marinig ko yan na wala siyang nilalabag na batas at hindi siya papayag, eh since may desisyon na ang Korte Suprema na nagsabi doon sa mandamus case na valid ang assumption ni Governor, acting Governor Sinsuat, I was thinking, following his logic and his public pronouncement na hindi siya papayag na siya ay lalabag sa batas, I was thinking na pwede naman siya mag-boluntaryo na mag-step down para matapos na ‘yung suliranin at siguradong papalakpakan siya ng sambayanan ng Maguindanao del Norte,” saad ni Atty. Panelo.
FPRRD kay acting Gov. Sinsuat: Kunin niyo si Atty. Panelo bilang abogado
Sa huli, ito naman ang naging payo ni dating Pangulong Duterte para sa kampo ni acting Gov. Bai Ainee Sinsuat.
“Kung bright sila Sal, kung bright sila, kung nakinig sila ngayon, kung bright kayo, kayong tinamaan na… andyan na ang pangalan mo nasa batas na as should be accessing the office of what, kung bright kayo, kunin ninyo si Panelo abogado, sure kayo dyan,” ayon pa kay Duterte.