Free VIP lounge para sa mga OFW sa NAIA, bukas na

Free VIP lounge para sa mga OFW sa NAIA, bukas na

BINUKSAN na ang 24/7 na VIP lounge para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Sa nasabing lounge ay libreng gagamitin ng mga OFW na naghihintay ng kanilang flights.

Nag-aalok din ito ng iba’t ibang pagkain at inumin, komportableng mauupuan, charging area, at libreng Wi-Fi.

Ang naturang proyekto ay ginawa bilang regalo sa mga tinaguriang ‘Modern Day Heroes’ ng bansa mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), Manila International Airport Authority (MIAA), at House of Representatives.

Maliban sa NAIA Terminal 1, gagawin din ito sa ilang international airports sa Metro Manila, Cebu, at Clark sa Pampanga.

Follow SMNI NEWS on Twitter