MAGPAPATUPAD ng malawakang pagbabago sa free Wi-Fi program ang Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa isang pahayag ni DICT Usec. Jeffrey Ian Dy, gumagastos ang pamahalaan ng P6.5B bawat taon upang makapagbigay ng internet access sa mahigit 7,000 lokasyon.
Ibig sabihin, panahon na aniya na magkaroon ng mas matipid na alternatibo, kabilang na ang pangmatagalang kasunduan sa mga service provider.
Sa ngayon, patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa isang low earth orbit satellite provider para sa posibleng kasunduan na discounted ang magiging bayad.
Iniaalok ng naturang provider ang pinagsamang 200 Mbps na internet para sa 10K paaralan sa halagang P1.5B kada taon.
Kung matutuloy, ang kontrata ay magtatagal sa loob ng 10 taon.
Follow SMNI News on Rumble