FRs, kinondena ang CTG sa paglabag sa karapatang pantao

FRs, kinondena ang CTG sa paglabag sa karapatang pantao

NAGSAGAWA ng isang condemnation rally ang grupo ng mga former rebels (FRs) na SAMBAYANAN-Baggao Chapter bilang tanda ng kanilang mariing pagkondena sa kawalang respeto ng mga teroristang NPA sa karapatang pantao ni alyas Gundo.

Anila, matagal nanilbihan si Gundo sa teroristang kilusan ngunit pinabayaan na lamang siya nang wala nang buhay.

Kaya naman panawagan ng mga former rebels sa mga natitira pang mga miyembro ng komunistang teroristang grupo na magbalik-loob na sa pamahalaan dahil tinatanggalan lamang sila ng mga teroristang NPA ng kanilang karapatang mamuhay nang malaya at tahimik.

Matatandaan nitong Hunyo 26, nahukay ng mga awtoridad ang bangkay ni alyas Gundo na basta na lamang inabandona ng kaniyang mga kasamahang teroristang NPA sa bahagi ng Sitio Antang, Tanglagan, Gattaran Cagayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter