‘Full digitalization’ at malawakang pagtatayo ng mga tower ng SMNI sa buong Pilipinas, asahan na –Pastor ACQ

‘Full digitalization’ at malawakang pagtatayo ng mga tower ng SMNI sa buong Pilipinas, asahan na –Pastor ACQ

MAGIGING mapagpala ang taong 2023 para sa SMNI dahil malawakang pagtatayo ng mga tower sa buong Pilipinas ang planong ikasa ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ang kanyang inanunsyo sa eksklusibong panayam ni The Manila Times CEO Dante Klink Ang II sa programang Business and Politics sa SMNI.

Kabilang din dito ang full digitalization ng SMNI.

Itong lahat ay para sa pagsusulong ng interes ng bansa.

‘’We have bigger plans for SMNI…for nation building,’’ saad ng butihing Pastor.

Hindi rin aatrasan ani Pastor Apollo ang mga bumabangga rito partikular na sa usaping laban kontra insurhensya.

Binigyang-diin din ni Pastor Apollo ang kredibilidad ng SMNI na hindi nababayaran dahil pawang katotohanan lamang ang inilalabas nito

“We already have that image, Truth that Matters,’’ paliwanag nito.

Matatandaan na ngayong taon ay 61 karangalan na ang tinanggap ng SMNI na sumasalamin sa tiwala ng taumbayan sa istasyon.

Ito ay hindi lamang dahil sa tapat na pagbabalita kundi maging sa mga serbisyo-publiko tulad ng humanitarian projects na handog naman ng SMNI Foundation Inc., at Kingdom of Jesus Christ na pinangungunahan ng butihing Pastor.

Follow SMNI NEWS in Twitter