HINDI na papahintulutan sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa ang full distance learning scheme simula sa second semester sa Academic Year 2022-2023.
Sa ilalim ng isang Memorandum Order No. 16 ng Commission on Higher Education (CHED), maaari na lang isagawa ang kanilang degree programs sa pamamagitan ng full in-person classes o hybrid learning.
Paliwanag ng memorandum, mainam na magkaroon ng at least 50% na total contact time para sa onsite learning o in-person classes.
Sa 3-unit course na nangangailangan ng 54 contact hours, ang 27 hours dapat dito ay igugugol sa physical learning facility gaya ng classroom, laboratory at iba pang kaugnay na learning spaces.
Ang nalalabing mga oras ay maaari nang isagawa sa pamamagitan ng distance learning.