GANAP nang ipatutupad sa buwan ng Hulyo ang food stamp program.
Nasa 300k na pamilya mula sa 21 probinsya at sampung rehiyon ang pinaprayoridad bilang benepisyaryo nito ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Disyembre noong nakaraang taon nang inilunsad ang pilot implementation ng programa at inaasahang magtatapos ito ngayong buwan.
Ang food stamp program ay para sa low-income families kung saan binibigyan ang mga ito ng monetary-based assistance sa pamamagitan ng electronic benefit transfer cards na maaaring gamitin para ibili ng piling food commodities.