FULL TEXT: Pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy laban kay Senador Risa Hontiveros, mga pekeng witness

FULL TEXT: Pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy laban kay Senador Risa Hontiveros, mga pekeng witness

Magandang araw po, magandang umaga, magandang hapon, magandang gabi o kaya magandang araw sa inyo pong lahat na ngayon ay makakapakinig ng aking audio message patungkol po dito sa mga allegation, accusations na puro po mga napakinggan natin sa Senate hearing na pinangunahan po ni [Senator] Risa Hontiveros bilang chairwoman ng Children’s Welfare Committee.

Napakinggan po natin ang kanilang mga patutsada nila doon. ‘Yung mga witness nilang kinuha [ay] veiled po noh—nakatakip ang [mga] mukha at may mga alias. Meron pa daw dalawang pastoral na Ukrainian at kung sinu-sino pa. At sila po ay nag-testify sa hearing na ‘yun, na patotoo daw nila na ‘yung mga allegation na ‘yun ay puro katotohanan laban po sa akin.

Ito po ay mga seryoso na mga allegation o accusation [na] kriminal. Ito po ay hindi basta-basta noh. Serious po kami dito sa ginagawang ito [na mga akusasyon]. Hindi po laru-laro ito sapagkat ang reputasyon ko po bilang ako ang Head Minister ng Kingdom of Jesus Christ, at spiritual head ng Kingdom Nation ay nakasalalay po dito sa mga pinagsasabi ng mga kuno witness na ito, na kuno ay mga former worker ng Kingdom pero nakatakip ang mukha, at (naka-alyas) ang kanilang mga pangalan.

Ngayon, sa inyo po Senator Risa Hontiveros, sa inyo pong komite ay nakita ko po [na] nag-iisa lang kayo noh? Parang wala yatang quorum ang komite niyo. At napakinggan po ang lahat ng mga testimony at mga kasaysayan noong mga pinag-i-interview ninyo riyan, na pinayagan po ninyo.

Pero ‘yung iba po, kahit nagtakip ng mukha, kilala namin sila dahil sa kanilang narrative. Ang isa po riyan ay si Blenda Portugal, ‘yung nag-alias Amanda. ‘Yan po ay nagdemanda na iyan ng ganu’n ding mga allegation, at iyan ay sinagot po namin, sinagot ko; at iyan ay na-dismiss dito sa korte ng Davao. Kaya tumakbo po sila sa DOJ [Department of Justice], at iyan ay under sa pamamahala ngayon ng DOJ.

Dismissable po [ang kinaso niya] kahit po anong tingin ninyo. Kasi ang (katotohanan) ay hindi pwedeng tabunan, hindi pwedeng takpan kung nagsisinungaling ka. Ang kataka-taka lang po dito ay bakit nasa korte na ’yan [pero dininig pa sa Senado]. Hindi ba po matatawag na sub judice iyan? Pagkatapos iyan ay pag-uusapan. Hindi ba ninyo nirerespeto ang korte? Hindi ba ninyo nirerespeto ang ating mga batas?

Hindi na po dapat na kinuha ninyong witness iyan kasi ‘yan ay gumawa na ng hakbang na magdemanda, at iyan ay napatotohanang puro kasinungalingan ang pinagsasabi niya. Kung ito po ay pinapayagan ng batas, eh kunin ninyo ‘yung mga record para makita ninyo ang kanilang alegasyon at ang aking mga sagot na puro po na-dispel namin ang kasinungalingan niya na ginawa doon. I don’t have to elaborate here.

Ngayon, ‘yung ibang mga witness na pinagkukuha ninyo, nakilala rin po namin ‘yung iba. ‘Yung nag-aalyas Jerome diyan. (Ang) lahat ng mga full-time worker dito [ay] nag-apply bilang full-time [workers]. ‘Yan po [sila] ay may mga record lahat dito. May mga record po lahat dito.

So, pinakinggan ninyo ‘yung side nila, pinakinggan ninyo ‘yung kanilang [mga] sinasabi, eh kahit sino pwedeng magsinungaling, kahit sino pwedeng gumawa ng ganoong alegasyon sapagkat wala naman silang sasagutin pa kasi under sila sa inyong Senate hearing. Ewan ko kung sila ba ay may immunity o kayo lang ba Senator Hontiveros ang may immunity kaya siguro tinatago ninyo ang mga mukha nila. Kasi, kung talagang totoo ‘yung sinasabi nila, hindi sila dapat matatakot. Hindi sila dapat matakot. Pero kung libelous ‘yun, kahit pa [nandiyan] sa hearing sila, eh after ng hearing na ‘yan talagang mananagot po sila sa batas, sa mga false allegation lalo na ang reputasyon ko po ang nakataya dito.

Ngayon, sa iba pang mga allegation na gagawin ninyo, lahat ng mga false accusation na ginagawa pa, kahit sino pwede kayong pumick-up ng isang witness at pagkatapos tabunan ang mukha, pagkatapos (gawan) ninyo ng alias; kahit ano na lang ang pinagsasabi niya doon, wala ba siyang sasagutin? Sa inyo ba ‘yun ay totoo na? Sa inyo ba’y ‘yun ay katotohanan na lahat? At pagkatapos gagawin ninyong guilty ang object ng inyong paninira?

Tulad ko, ako ang object ng inyong paninira. Dahil ba sinasabi nila na ganoon, at ganito’t, ganoon at ganito, ang (lalaswa) pa; sinakyan pa ng mga taga-social media na [mga] vlogger, tapos pambababoy ang ginawa ninyo sa reputasyon ko? ‘Yan ba ay tamang proseso?

Ngayon, sapagkat pinaniniwalaan ninyo [na] ‘yan ay katotohanan, at kanila pong dinetalye ang lahat ng alegasyong pinaggagawa ko daw sa kanila na kasuklam-suklam, karumal-dumal at kawalang-hiyaan, ay maganda pong mga testimony ‘yun kung ‘yun ay totoo. Ngayon, ang sunod na hakbang po ninyo, hinahamon ko kayo, you go to the court. Tulungan po ninyo ang mga kaawa-awang ito. Pumunta kayo doon sa korte at gumawa kayo ng demanda laban sa akin.

Maganda po iyan [kasi] may testimony na sila eh. Gawin na lang ninyo iyan, i-transcribe ninyo, gawan ninyo ng affidavit tapos ipakilala ninyo ang tunay nilang pagmumukha, tunay nilang pangalan, pagkatapos tunay nilang tirahan, at tunay nilang katauhan. And then idemanda po ninyo ako. Kahit ako’y Anak ng Diyos, ako ay under sa batas ng lupa, at doon ko kayo [sa korte] sasagutin sapagkat doon merong fair play. Because in the law, the guilt and the innocence of any person is not determined by a Senate hearing, but it is only determined by competent court of law. Doon po kami [sa korte dahil] patas ang laban. Doon po kami pwedeng sumagot sa inyo.

Sa inyo pong hearing, wala po kaming dapat patotohanan niyan. Wala kaming dapat patotohanan. Sila, they have nothing to lose [pero] kami dito [ay] pagpipyestahan ninyo. Hindi po namin papayagan ‘yun.

I will not subject myself to a bogus hearing and to bogus witnesses if they cannot stand on their word.

Now, hinahamon ko sila, hinahamon ko kayo, tulungan ninyo sila. Kung sila’y totoo at hindi bogus ang kanilang testimony, hindi sila bogus na binayarang mga witness; hindi sila bogus, hindi bogus ang inyong hearing, ang sunod po ninyong hakbang bilang isang mambabatas, Senador Hontiveros, tulungan ninyo silang pumunta doon sa korte. Magdemanda kayo para sila po ay makakamit ng hustisyang sinasabi ninyong dapat nilang hanapin.

Doon [sa korte], patas ang laban. Hindi po basta-basta [na] mag-aakusa kayo lalo na sa isang taong katulad ko na international ang reputasyon ay gaganunin-ganunin na lang ninyo ako.

Kaya ako po ay hindi sasalo at magpapasakop sa inyong hearing sapagkat para sa akin, iyan ay bogus na mga witness at bogus na hearing. Sorry po sa pagsasalita ko ng ganito, sapagkat iyan ay pinaniniwalaan ninyo kaya naging bogus para sa akin.

Para po maging makatotohanan kayo, at hinahamon ko kayo kung talagang totoo sila at ang lahat ng pinagsasabi nila [ay] totoo, ay gumawa kayo ng affidavit, sumpaan nila at pagkatapos pirmahan nila, at pagkatapos i-submit sa korte, nakademanda po ako. Doon po ako sasagot sa lahat ng alegasyon at mga akusasyon. Kriminal po itong mga alegasyong ito, hindi na dapat pag-usapan diyan sa inyong Senate hearing. These are criminal allegations that you deemed [true]. You already convicted me in your hearing. Mali po ‘yun. Unfair po ‘yun.

I will not subject myself to unfair statements. I will not subject myself to injustices that are done in the cloak of a Senate hearing. Kahit ano po [ang mangyari], I will not subject myself to that. But I will face you with one condition: I will face any of you, kahit one hundred pang witnesses ang gamitin niyo, kahit one hundred pang witnesses ang inyo pong bayaran, I will face you anywhere, anytime in a court of law. Just do it and I will face you anywhere, anytime in a court of law. If you cannot do that, then you are all bogus, you are all false, and you don’t deserve my respect. Because you don’t respect my constitutional rights, I will not also respect your office as a senator if you cannot do these conditions that I am telling you to do.

Ikaw, mambabatas kayo Senator Hontiveros, alam ninyo ang dapat ninyong gawin. Pagka ganitong mga alegasyong malalalim at reputasyon ng isang tao ang nakataya, dapat pumunta na po kayo sa korte, kunan niyo sila ng abogado, pagkatapos magpasimula na tayo doon para po mailahad namin ang aming side na lahat [ay] documented. [Sa] kanila, [puro] salita lang, [pero] kami po, hindi kami nagsasalita, documented [lahat].

Tiniis ko po ang lahat ng mga pang-aalipusta, pambababoy sa reputasyon ko at ang pang-aalipusta po sa aking katauhan sapagkat ako’y Anak ng Diyos. Tinuruan akong magkaroon ng long-suffering. Ang Ama kong si Jesus Christ [ay] pinako sa krus hindi dahil sa kanyang kasalanan kundi sa kasalanan ng mga taong ipinataw sa kanya. Siya po ang aking guide. Siya ang aking idol kaya tiniis ko nang matagal na panahon ang mga paninirang ito. Kahit doon sa Amerika, it is the same scenario as it is here. Inakusahan din ako doon ng maraming mga former worker daw ‘yun, pero puro pagsisinungaling. Ang akala nila, hindi ako makakakuha ng mga abogado ko doon na hihimay-himayin ang lahat ng kanilang mga pinagsasabi. Ngayon, nahihirapan silang humarap sapagka’t puro po kasinungalingan.

Ngayon, ito, huwag po ninyong palampasin ito. Hindi ko po kayo palalampasin dito lalo na itong mga witness na kinuha ninyo. Hindi ko po palalampasin ito. Kailangan malaman natin ang katotohanan dito, not in your Senate hearing but in a court of law. Uulitin ko po ang hamon: kung totoo iyan sila, hindi kayo bogus na witnesses, hindi kayo bogus sa hearing na ito, hindi ka bogus sa hearing mo, Senator Hontiveros, the next thing I tell you to do, hinahamon kita, I challenge you, go to court, make those allegations detailed in an affidavit and let them sign it. And then charge me with whatever charges you want to do. Welcome kayo doon at doon patas ang laban natin. If you cannot do that, you did not respect my constitutional rights, I will not from now on respect you as a senator of this country because you are hearing innuendos and you are for smearing my reputation. This is a mere smear campaign in your hearing. So, magrespetuhan po tayo dito. Para marespetuhan ko kayo, [‘yung] allegations kumpleto na, dalhin ninyo ‘yan sa korte. Gumawa kayo ng affidavit. Uulitin ko, papirmahin niyo sila, i-transcribe niyo lahat ng pinagsasabi (nila) riyan tapos haharapin ko kayo.

Tulad ng ginawa nitong Blenda Portugal na alyas Amanda [na nagkaso]. Oh, ayan, patas iyon. Ngayon na-dismiss [ang kinaso niya] sapagkat puro kasinungalingan ang [mga] sinasabi niya. Ngayon, inulit niya riyan [sa Senado]. Ewan ko kung iyan ba ay pwede sapagkat ‘yan ay sub judice na po para sa akin iyan. Nasa korte na iyan eh, waiting for the judgment of the DOJ. Oh, tapos inulit ninyo, nag-alyas-alyas pa kayo riyan. Tapos kung anong paninirang ginagawa ninyo sa reputasyon ko.

Ngayon, uulitin ko po, tatlong beses na itong sinasabi ko: I challenge you, now that they have detailed all of these salacious allegations against me and my person, which they demonized, which they bedeviled, and which [they] made a monster out of me, let them go to court. Help them file a case against me, and I will welcome that, and we will answer you in the proper forum of the court of law. If you cannot do that, I once again repeat, you are all bogus witnesses, this is a bogus hearing, and I will not subject myself to any of your bogus (hearings) that you will do next time, kung hindi niyo po magagawa ‘yan.

Magrespetuhan po tayo. (Respetuhin) niyo ang constitutional rights ko, rerespetuhin ko po kayo bilang senador na talagang naghahanap ng katotohanan, at ng hustisya, hindi innuendo, hindi smear campaign, hindi paninira, hindi kung sino lang po pupulutin ninyo at pagkatapos magsasalita ng kung anu-ano. Words are very cheap, but let us find the truth, and the truth will be found by the evidence that you will present in court. Because in court, it is not what you say, it is what you can prove.

Now, (‘yang) mga allegation ninyong ‘yan, kayong mga accuser, prove it in court because you have the burden of proof now. You prove it in court, and we will face you there. Tulungan mo po sila, kagalang-galang na Honorable Risa Hontiveros. Tulungan mo sila kasi mambabatas ka at in-entertain mo ang kanilang mga allegation. Now, we are a land of law; subject tayo sa law—ito ‘yung katapusan, hindi po diyan sa hearing ninyo. Ang katapusan nito sa [ay] korte, at ang judge ang magbibigay ng patas na hukom, hindi kayo. You cannot determine, as I said, the guilt or innocence of a person or someone in your (Senate) hearing that is just for the aid of legislation. Ngayon, you can prove that [whether] I’m innocent or I am guilty in court. Kayo, patotohanan [dapat] ng mga witness mo ‘yan.  Papirmahin mo sila, tulungan mo sila, kunan mo ng abogado.  That is my ultimate challenge to all of you. Magrespetuhan po tayo.

Iyon lang po at maraming salamat sa inyong pakikinig sa side ko. Ako po ay isang maawain na tao, mapagbigay, kaya mayroon akong Children’s Joy Foundation. Tumutulong ako sa mga kabataang Pilipino—pinaaral ko, pinakain ko, dinamitan ko, pero may mga ganitong klaseng tao. Hindi ko kayo ibubulgar dito sa vlog kong ito. Ibubulgar ko kayo doon sa korte. Kakalkalin ko ang pagkatao ninyo, kasi from head to foot, kilala ko kayo. Kayo, kilala ko kayo, former workers kayo. May Ukrainian pa. Papuntahin niyo dito ‘yung mga Ukrainian na ‘yan. Haharapin ko silang lahat. Kahit one hundred pa kayo. Haharapin namin kayong lahat.

‘Yan po ang patas na laban at ‘yan ang hinihintay ng taumbayan. Pero ang paninira, [ang] smear campaign na matagal kong tinitiis-tiis ay hindi ko na po palalampasin ‘yan sapagkat nakataya dito ang reputasyon ko, at ang reputasyon ng Bansang Kaharian na mayroong mga millions of member all around the world. ‘Yan lang po, maraming salamat. Pagpalain tayong lahat ng ating Dakilang Diyos Ama.

Mayroon pa akong idadagdag: sinabi ninyo kagalang-galang na Hontiveros, you put words in my mouth at sinabi niyo na hindi daw ako natatakot dahil marami akong kaibigang mga makapangyarihan o mga politiko ba ‘yun o kung sino. Kayo po ang nagsabi nu’n. Magpalabas kayo ng video na nagsabi ako ng ganu’n.

Noong ako ay nagkakaso po sa Amerika mula 2018, presidente pa po ang aking kaibigang si [dating] President Duterte. Tanungin ninyo siya, pati si [Attorney] Harry Roque na kanyang spokesperson, kung kinalabit ko ba siya, kung tinawagan ko ba siya at ako’y nagpatulong.

Kaya ko po ‘yung problema ko. Kung ang problemang hinaharap ko, lalaking-lalaki ako. Iyan ay haharapin ko kahit saan pa tayo magkita, kahit sa pintuan pa ng impyerno. Hindi po ako nagpatulong kahit [sa mga] kaibigan ko. Hindi ako nag-name-dropping. Kaya mali po ‘yung akusasyon ninyong ‘yun. Mali ‘yung sinasabi ninyong ‘yun. Tapos sinabi mo [pa], ‘kahit na Son of God ka pa’, o ganito’t ganoon, ako ba ay nagmalaki dahil ako ay Son of God? Sinabi ko na matagal nang panahon, kahit pa ako’y Son of God, under ako sa batas ng lupa. ‘Pag ako’y nagkamali, gumawa ng krimen, idemanda ninyo ako. Pero please, huwag po ninyong sirain ang reputasyon ko na wala akong kalaban-laban. Magrespetuhan po tayo. Korte ang answer nito. Court is the answer for all of your false allegations and accusations. Court is the answer, not a Senate hearing. Thank you. May God bless us all.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble