PANGHULI na ang 32nd Southeast Asian (SEA) Games na mag-coach si Gilas Pilipinas Coach Chot Reyes.
Ito ang ibinunyag ni Reyes matapos matalo ng Gilas Pilipinas ang Cambodia sa score na 80-69.
Aniya, manalo o matalo, ito na ang panghuli niyang pag-mentor sa SEA Games.
Matatandaang natalo ang Gilas sa huli nilang laban sa Hanoi 31st SEA Games na may score na 85-81 kontra Indonesia.
Bukod dito, tumanggap siya ng mga batikos matapos bumagsak ang Gilas.
Bumawi naman ang koponan at nasungkit ang gintong medalya kontra Cambodia nitong 32nd SEA Games.