KASAMA ang Gilas Pilipinas sa kikilalanin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night ngayong Enero 29, 2024.
Sila ang recipient ng 2023 President’s Award.
Ayon kay PSA President Nelson Beltran, hindi maikakaila ang karangalang ibinigay ng koponan sa Pilipinas matapos ang kanilang impressive performance noon sa 19th Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China.
Sa kuwento, mabilisang binuo ang makakasama bilang Team Pilipinas para sa Asiad sa ilalim ni Coach Tim Cone kung kaya’t hindi gaanong umaasa ang koponan na mananalo ito.
Subalit ang plot twist, nakuha ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya para sa bansa matapos ang 61 taon.
Matatandaang huling nanalo ng gintong medalya sa Asiad ang Pilipinas noong 1962.
Samantala, gaganapin ang PSA Awards Night 2023 sa Grand Ballroom Diamond Hotel, Roxas Boulevard, Manila.