SASABAK muli ang Gilas Pilipinas sa FIBA 3×3 Asia Cup sa Singapore simula ngayon araw March 29 hanggang sa April 2 Linggo sa Singapore Sports Hub OCBC Square.
Pangungunahan nina Filipino cagers Samboy de Leon, Jorey Napoles, Brandon Bates at Talk ‘N Text gunner Almond Vosotros ang Philippine 3×3 Team.
Magugunita noong 2022 edition ay sina Vosotros at De Leon din ang pumarada sa Gilas 3×3 kasama sina Lervin Flores at Joseph Eriobu bago palitan nina Napoles at Bates ngayong edisyon sa gabay ni Head Coach Lester del Rosario.
Magtatangka ang Gilas 3×3 na maulit o kaya malagpasan ang top-4 finish nito matapos silatin ang No. 1 seed ng Mongolia sa quarterfinals sa likod ng game-winner ni Vosotros.
Umaasa naman si Coach Lester del Rosario na maipapanalo ng koponan ang nasabing torneyo.