PANALO ang Brgy. Ginebra San Miguel kontra TNT Tropang Giga sa iskor na 71-70 sa finals game 2 ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.
Si Justin Brownlee para sa kaniyang 35 points ang nanguna sa Gin Kings upang maipanalo nila ang laban nitong Marso 16, 2025.
Sa ngayon ay may tig-iisang panalo na ang dalawang koponan sa kasalukuyang finals showdown.
Matatandaan na noong Marso 14 sa Game 1, ang Tropang Giga ang panalo sa iskor na 95-89 kontra Gin Kings.
Ang 34 points ni Rondae Hollis-Jefferson ang nanguna dito para sa TNT.
Samantala, ang Game 3 ng best-of-seven finals ay gaganapin sa Marso 19.
Follow SMNI News on Rumble