NAGLAAN ng P2.5-B ang pamahalaan para bumili ng bagong floating assets sa West Philippine Sea (WPS).
Layunin ng panibagong floating assets ang mas pinaigting na presensiya ng Pilipinas sa WPS.
Magsisilbing tulong na rin ito ng pamahalaan sa mga mangingisda sa naturang rehiyon.
Kasama sa bibilhin ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Spokesperson Nazario Briguera ay monitoring control and surveillance patrol vessels, food boats, at mga barko.