PINAALAHANAN ni Senate President Chiz Escudero ang administrasyon na dapat paghandaan na nito ang posibleng pagbabago ng mga polisiya na ipatutupad ni US President-elect Donald Trump kapag nagbalik na siya sa kaniyang dating opisina.
Ani Escudero hindi lamang dapat magpadala ng mga pagbati, kundi simulan nang mag-isip ng iba’t ibang sinaryo sa ilalim ng Trump administration at maghanda ng tugon sa bawat isa.
“From trade to security to immigration, what he said he plans to do, some on day one of his administration, would certainly impact us,” wika ni Escudero.
Kung ituloy ni Trump ang kaniyang banta na magsagawa ng pinakamalaking deportasyon sa kasaysayan ng Amerika,
“Ilan sa mga tinatayang 300,000 na mga Pilipinong mahihirap ay magiging bahagi ng unang alon ng pagpapaalis?” tanong ni Escudero.
Paliwanag ni Escudero na kahit na 1 porsiyento lamang ng 300,000 ay mapapaalis, kailangan nito ng 10 malalaking eroplano.
“How will his plan to erect high tariff walls affect our economy given the fact that almost $1 in every $7 of our export earnings come from our trade with the United States?” tanong pa niya.
Ipinaliwanag din ni Escudero na kahit na ang posibleng pagtutok ni Trump sa diplomasya ay magdulot ng pagbaba ng tensiyon sa buong mundo at pagkakaroon ng mga solusyon sa mga digmaan,
“Ang mga tagumpay na ito ay tiyak na magpapabago pa rin sa ating fiscal position,” aniya.
Isa pang mahalagang aspeto ng relasyon ng US at Pilipinas na dapat muling suriin ay ang alyansang militar na pinalakas ng administrasyon ni Biden.
“On the security front, will a second Trump administration be hawkish or dovish against China? Dapat handa tayo kung sakaling may bagong posisyon ang Washington,” sabi ng senador mula sa Bicol.
Sinabi ni Escudero na malinaw na ipinarating ni Trump sa buong mundo kung ano ang gagawin niya kung iboto siyang muli bilang pangulo ng Amerika.
“Hindi naman sikreto ang mga ito kasi pinangalandakan niya sa kampanya at ang mga ito pa nga ang nagpapanalo sa kanya.” ayon sa senador.