NANAWAGAN si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno na gumawa na ng mga hakbang kontra sa mga panganib na dala ng La Niña.
Ang pahayag ni Escudero ay kasunod sa posibilidad ng pagkakaroon ng La Niña sa huling bahagi ng taong ito ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sinabi ng senador na ang nalalapit na paglipat sa La Niña ay nangangailangan ng mga komprehensibong programa at maagang interbensiyon upang maprotektahan ang mga mahihinang sektor at matiyak ang katatagan ng klima.
Batay sa datos ng PAGASA, ang huling La Niña sa bansa ay tumagal ng tatlong taon.
Mula ito Setyembre 2020 hanggang 2023.
Habang ang bansa ay malakas ang loob para sa La Niña, sinabi ng beteranong mambabatas na dapat tiyakin ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ng El Niño ang kabuhayan.