Gold for Cycling Series 2025, dadagdagan ng events

Gold for Cycling Series 2025, dadagdagan ng events

POSIBLENG mas palalawakin pa ang ‘Go for Gold Cycling’ Series sa 2025 matapos ang matagumpay na three-leg criterium races ngayong season.

Ayon sa founder nito na si Jeremy Go, plano nilang dagdagan ang races at events sa 2025 at target nilang gawing ‘year-long’ ang aktibidad.

Sa huling bahagi na ng 2025 kikilalanin ang magiging overall champion ng cycling series.

Magiging saklaw pa rin naman nito ang Luzon, Visayas, at Mindanao.

Kung mapapansin, ngayong season ay tanging Pampanga, Cebu, at General Santos City lang ang kasali sa mga cycling leg ng event.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble