Golden State Warriors wagi via comeback win vs. Brooklyn Nets

Golden State Warriors wagi via comeback win vs. Brooklyn Nets

SA kanilang laban ngayong Biyernes, matagumpay na nalusutan ng Golden State Warriors ang Brooklyn Nets, matapos silang maiwan ng hanggang 20 puntos sa unang bahagi ng laro.

Sa first quarter, hindi agad nakaporma ang Warriors matapos magtala ng 17-0 run ang Nets, dahilan upang lumobo ang kanilang kalamangan sa iskor na 15-35.

Ngunit pagsapit ng second quarter, unti-unting bumangon ang Golden State at naibaba sa limang puntos ang lamang ng Brooklyn.

Sa huling minuto ng laro, tuluyang naibalik ng Warriors ang kalamangan, umabot pa sa 10-point lead sa natitirang mahigit isang minuto ng laro.

Final Score: 121-119, pabor sa Warriors.

Pinangunahan ni Stephen Curry ang panalo ng Golden State sa kanyang 40 points performance, habang nag-ambag naman si Jimmy Butler ng 25 puntos upang selyuhan ang kanilang comeback win.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble