Gov. Edwin Jubahib, pansamantalang iniwan ang tanggapan sa Kapitolyo matapos isuspinde ng OP, DILG

Gov. Edwin Jubahib, pansamantalang iniwan ang tanggapan sa Kapitolyo matapos isuspinde ng OP, DILG

PANSAMANTALANG iiwan ni Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib ng kaniyang opisina sa Provincial Capitol sa Tagum City.

Kasabay rito ay nagbigay ng pasasalamat si Jubahib sa lahat ng mga kaalyadong lokal na opisyal, mga tagasuporta, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan at mga miyembro ng indigenous people sa kanilang suporta sa kaniya.

Matatandaan na sinuspinde si Jubahib ng Office of the President (OP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil sa reklamo ng isang board member.

Itinalaga naman bilang acting governor ng Davao del Norte si Vice-Governor de Carlo ‘Oyo’ Uy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble