IDINEKLARA bilang persona non grata ng Davao del Norte Provincial Tribal Council si Tagum City Rey Uy dahil sa diskriminasyon sa Indigenous Cultural Communities at Indigenous Peoples (IPs).
Nag-ugat ito matapos umanong sinabihan ni Mayor Uy na mga tamad ang mga katutubo na nasa Kapitolyo na sumusuporta sa sinuspending si Gov. Edwin Jubahib habang nag-inspeksiyon ang alkalde sa kusina ng PDRRMO.
Ang ginawa ng alkalde ay isang paglabag sa karapatan ng mga katutubo na nakasaad sa 1987 Constitution at Republic Act No. 8371 o mas kilala bilang Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) Law.
Kabilang din sa idineklara bilang persona non grata si acting Governor de Carlo Uy dahil sa kaniyang pagsang-ayon sa mga pananalitang diskriminasyon ni Mayor Uy sa mga katutubo.
Dahil dito hindi na papayagang makapasok ang nabanggit na mga opisyal sa mga ancestral domain ng mga katutubo sa probinsiya.
Nakatakdang magfile sa korte Ang Provincial Tribal Council ng kanilang resolusyon at papadalhan din ng kopya ang tanggapan ng pangulo, tanggapan ng NCIP at DILG para sa kanilang kabatiran at para sa kanilang magiging aksiyon.