TANGGALAN ng government scholarship ang lahat ng mga estudyanteng gustong pabagsakin ang gobyerno.
Ito ang ipinanawagan ng National Youth Commission (NYC) OIC-Chairman ASEC. Ronald Cardema sa panayam ng Sonshine Radio.
Kaugnay ito sa maraming mga estudyanteng nag-aaklas laban sa pamahalaan.
Ibinahagi rin ni Cardema na sa panawagang ito ng NYC, nag-rally ang mga estudyanteng scholar ng pamahalaan.
Anila, pera umano ng taong bayan ang ginamit sa kanilang scholarship.
Nilinaw din ni Cardema na bagama’t totoong pera ng taong bayan ang ginamit sa kanilang scholarship pero ang taong bayan ang bumuo ng gobyerno at kung kinakalaban nila ito ay para na ring kinakalaban nila ang taong bayan.