Greek outside spiker Zoi Faki, import ng Choco Mucho sa PVL Reinforced

Greek outside spiker Zoi Faki, import ng Choco Mucho sa PVL Reinforced

REVEALED na ang import ng Choco Mucho para sa 2024 PVL Reinforced Conference ngayong Hulyo.

Sa anunsiyo ntong Miyerkules, Hunyo 26, ang import ay ang Greek outside spiker na si Zoi Faki.

Nakapaglaro na si Faki sa US NCAA at iba’t ibang club leagues sa Greece at ilang beses nang napatunayan ang galing sa larangan ng volleyball.

Sa magiging PVL Reinforced, makakasama ng Greek sina Dindin Santiago- Manabat, Isa Molde, Royse Tubino, Mean Mendrez, Regine Arocha, at Kat Tolentino.

Sina Sisi Rondina at Cherry Nunag ay hindi pa malinaw kung makapaglalaro ito sa Choco Mucho dahil may tungkulin din ito sa Alas Pilipinas National Team.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble