MULING sumabak sa pagtatanim ng mga punongkahoy ang SPM volunteers sa paanan ng Mt. Arayat sa Pampanga sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mga puno, na nagbibigay ng maraming benepisyo sa kapaligiran, ekonomiya, at lipunan.
Ngunit sa paglipas ng panahon, tila nagiging hamon ang pagpaparami ng puno sa bansa dahil sa iba’t ibang prayoridad ng tao dahil sa teknolohiya.
Bumabagal din ang produksiyon ng mga puno dahil sa sunud-sunod na isyu ng mga pagtotroso, mga pagguho ng lupa dahil sa ilegal na pagmimina at kapabayaan ng mga tao sa pagprotekta sa Inang Kalikasan.
Dito sa Pilipinas, dahil sa climate change, hindi na bago ang mga pagbaha, pagguho ng lupa dulot ng mga kalamidad.
Mga pangyayaring hindi lang mga ari-arian at kabuhayan ang nawawasak, pati buhay ng tao, sinisingil din kaya naman ang muling pagtatanim ng mga punongkahoy ay isang nagpapatuloy na programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa pangangalaga ng kalikasan.
Taong 2005 nang sinimulan ni Pastor Apollo ang mga pagtatanim ng puno, paglilinis ng mga estero, coastal clean ups hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang panig ng mundo sa ilalim ng programang Sonshine Philippines Movement (SPM).
Isang programang walang ibang hangad kundi ang gawing mabango, malinis, at maayos ang kapaligiran na siya namang magiging daan sa isang matiwasay na pamayanan o komunidad.
Malayo sa gulo at kriminalidad.
Isang bisyon ni Pastor Apollo na hindi malayong marating ng Pilipinas sa pamamagitan ng nagkakaisang adhikain at malasakit sa bayan.
Kasunod ng isang matagumpay na pagtatanim ng puno sa iba’t ibang bahagi ng Sierra Madre, sunod namang tinungo ng grupo ni Pastor Apollo ang paanan ng Mt. Arayat sa Pampanga.
Iba’t ibang grupo ang nakiisa sa aktibidad bukod sa SPM volunteers at KOJC members.
Isa ang grupong ACCERT sa mga pribadong sektor na sumama sa pagtatanim ng mga narra seedlings.
Anila, ang mga ganitong aktibidad ang dapat na sinusuportahan ng pamahalaan dahil hindi lang aniya ang kasalukuyang henerasyon ang makikinabang sa mga itinanim na mga punongkahoy kundi ang susunod pang henerasyon ng mga kabataan.
Naniniwala rin ang grupo na hindi pa huli ang lahat para isalba ang ating kapaligiran sa mga inaasahang banta laban sa kalikasan at kagubatan.
Lubos naman ang pasasalamat ng mismong namamahala sa Bundok Arayat dahil matagal nang naging katuwang nito ang grupo ni Pastor Apollo sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng puno para punan ang pangangailangan ng mga tanim sa mga nalalagas at nakakalbong bahagi nito.
Pakiusap na lang nila sa kinauukulan lalo na sa pamahalaan na bigyan ng sapat na atensiyon ang Bundok Arayat lalo na sa pagdaragdag ng mga tauhan na magbabantay sa bundok para maiwasan ang mga pagkakaingin, pagtotroso at iba pang ilegal na aktibidad sa bundok upang hindi rin anila masayang ang mga pagsisikap na ginagawa ng ibat ibang sektor at organisasyon.
Pastor Apollo C. Quiboloy, kaibigan ng kalikasan—political vlogger
Samantala, bilang first timer sa aktibidad, puring-puri ng political vlogger na si Badong Aratiles ang inisyatibang ito ng Sonshine Philippines Movement (SPM) na pinangungunahan ni Pastor Apollo.
Buong akala nito na pang-KOJC lang ang programa at gimik lang para makakuha ng atensiyon sa publiko.
Aminado siyang nagkamali siya ng iniisip gayong malaki na pala ang naging kontribusyon nito sa pangangalaga ng kalikasan at pagsuporta na maibalik ang sigla ng kapaligiran.
“Sustained no, talagang totohanan, hindi lang sa gimik gimik lang. Pagkakaiba ni Pastor sa ibang traditional politicians,” saad ni Badong Aratiles, Political Vlogger.
Panggigipit kay Pastor Apollo C. Quiboloy, hindi hadlang para gumawa ng mabuti para sa kapwa at sa kalikasan─political vlogger
Namangha rin sila sa Butihing Pastor na bagamat hindi maganda ang kinalalagyan nito sa kamay ng mga awtoridad, mararamdaman pa rin anila ang puso ni Pastor Apollo na para sa bayan.
Tunay ngang wala nang hihigit pa sa isang taong walang ibang nais kundi ang mapabuti ang ating bansa, gawing ligtas ang mamamayan mula sa banta ng mga kalamidad at kriminalidad.
Gaya ng sinabi ni Pastor Apollo, sa sama-samang pagkilos, makakamit ang isang maayos, malinis, at napakagandang Pilipinas.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal