Gretchen Barretto, itinanggi ang pagkakadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero

Gretchen Barretto, itinanggi ang pagkakadawit sa kaso ng mga nawawalang sabungero

MATAPOS madawit ang kaniyang pangalan bilang umano’y utak sa likod ng pagkawala ng mga sabungero, naglabas ng opisyal na pahayag ang aktres na si Gretchen Barretto sa pamamagitan ng kaniyang abogado.

Mariin niyang itinanggi ang pagkakasangkot sa krimen at tinawag na “imbento” ang mga akusasyon ni Alyas Totoy.

Ipinunto ni Barretto na ibinase lamang umano ni Alyas Totoy ang paratang sa pagiging malapit niya kay Atong Ang.

“While he has not witnessed anything that Ms. Barretto has said or done, the whistleblower maliciously speculates she must nonetheless somehow be involved because of her close connection with Mr. Atong Ang,” ayon kay Alma Mallonga, Counsel for Gretchen Barretto.

Giit pa ni Barretto, hindi siya operator ng sabungan at wala siyang direktang partisipasyon sa operasyon ng e-sabong, na nasuspinde, mahigit dalawang taon na ang nakalilipas.

Isa lamang umano siya sa mga investor.

“She did not operate the sabungan, had no participation in e-sabong operations that was suspended more than two (2) years ago, and was merely an investor in the business (one of about 20 investors categorized as alpha members). She attended no meetings where approvals were sought nor given to implement the disappearances. The proposition is so absurd, it is plain invention,” dagdag ni Mallonga.

Dagdag pa niya, may nagtangkang kikilan siya kapalit ng pagtanggal sa kaniyang pangalan sa listahan ng mga suspek, ngunit tumanggi siya dahil wala aniya siyang kasalanan.

“Ms. Barretto confirms there was an attempt to extort moneys from her, with an offer to exclude her name from the list of suspects if she paid. She refused because she had done nothing wrong,” ani Mallonga.

Ilang pamilya ng mga nawawalang sabungero, nabuhayan ng loob matapos ang paglantad ni Alyas Totoy

Samantala, dumulog sa Department of Justice (DOJ) ang ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero upang humingi ng update sa kaso.

Ayon sa kanila, nabuhayan sila ng pag-asa nang lumantad si Alyas Totoy at pinangalanan ang umano’y nasa likod ng krimen.

Isa sa kanila si Aling Marilyn Germar, ina ng sabungerong si Glen Germar na nawala noong 2019 matapos pumunta sa arena sa Sta. Cruz, Laguna.

Tanggap na aniya nito kung patay na ang anak niya, pero umaasa pa rin siyang mahahanap ang mga labi nito.

DOJ, may hawak na testigo sa lokasyon ng pagtatapon sa mga sabungero sa Taal Lake

Ayon sa DOJ, may hawak na silang testigo na nakaaalam kung saang bahagi ng Taal Lake itinapon ang mga bangkay ng mga sabungero.

Giit ni Remulla, hindi nila titigilan ang imbestigasyon hanggang sa mapanagot ang mga nasa likod ng krimen, kahit gaano pa sila kayaman o makapangyarihan.

Dagdag pa ng DOJ, nasa ilalim na ng “restricted duty” ang 15 pulis na umano’y sangkot sa kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble