Groundbreaking ng Anonas at Camp Aguinaldo Station ng Subway Project, isasagawa

Groundbreaking ng Anonas at Camp Aguinaldo Station ng Subway Project, isasagawa

ISASAGAWA ang isang groundbreaking ceremony para sa Anonas Station and Camp Aguinaldo Station ng Metro Manila Subway Project ngayong araw ng Lunes.

Pangungunahan ito nina Transportation Secretary Jaime J. Bautista at Secretary of National Defense Carlito Galvez, Jr. sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Ang dalawang underground station ay kabilang sa Contract Package 103 (CP103) na isang Civil Works – Build Only Contract na may kabuoang haba ng ruta na 6.604 km na nag-uugnay sa Quezon City at Pasig City.

Bahagi ng tunnel works ang 2 paraan ng pagtatayo tulad ng 2 tunnel boring machine (TBM) mula sa Japan, at ang New Austrian Tunneling Method (NATM).

Sa oras na matapos ang Metro Manila Subway Project, mababawasan ang oras ng biyahe sa pagitan ng Quezon City at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto hanggang 35 minuto na lang.

Kapag gumana na, ang underground railway system ay makakapagserbisyo ng hanggang 370,000 pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter