ISINAGAWA ang groundbreaking ng ipatatayong Cagayan Valley Medical Center (CVMV) – Behavioral Medicine Specialty Center sa Brgy. Nangalasauan sa Amulung, Cagayan nitong Sabado Setyembre 9, 2023.
Dumalo sa nasabing aktibidad si Department of Health Sec. Teodoro Herbosa.
Ang naturang proyekto ay pinondohan ni Cagayan 3rd District Representative Joseph Lara na nagkakahalaga ng P50-M.
Habang kasalukuyan ang konstruksiyon ng pasilidad, ayon kay Sec. Herbosa ay maglalagay sila ng temporary health care facility upang maaari nang magpakonsulta ang mga mamamayan.