Grounds para sa impeachment kay VP Sara, pilit na pilit—Atty. Trixie Cruz-Angeles

Grounds para sa impeachment kay VP Sara, pilit na pilit—Atty. Trixie Cruz-Angeles

KATAKA-TAKA para kay Atty. Trixie Cruz-Angeles ang grounds na inilatag ng Kamara para mapatalsik sa puwesto si Vice President Sara Duterte.

Sa anim aniya na ibinigay na rason, isinali ang umano’y pagkakasangkot ni VP Sara sa extra judicial killings (EJK) sa pamamagitan ng sinasabi nilang Davao Death Squad (DDS).

Ngunit kung iisipin ani Cruz-Angeles, wala itong kinalaman sa posisyon ni VP Sara sa kasalukuyang gobyerno dahil nangyari ang isyu ng EJK bago man siya nahalal bilang pangalawang pangulo.

Kasali rin sa inilatag nilang rason ang umano’y pang-uudyok ni VP Sara ng destabilisasyon nang hindi ito dumalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Marcos Jr. noong 2024.

Ang pagdepensa rin ni VP Sara kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay rason ng mga kongresista para ipa-impeach ito.

Anila, may kinakaharap na kaso ang Butihing Pastor at hindi tama ang pagdepensa ng pangalawang pangulo sa kaniya.

Kung tutuusin, hindi convicted si Pastor Apollo sa anumang kasong ibinabato sa kaniya at halatang ‘politically motivated’ lang ito dahil sa kaniyang pagiging malapit sa mga Duterte.

Taong 2018 pa nang ma-dismiss ang mga kaso ni Pastor Apollo dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya ngunit bigla lang itong binuhay muli sa administrasyon ni Marcos Jr.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter